SA halip na tumawag ng pulis, ang biktima mismo ang tumikad sa nang-agaw ng kanyang mamahaling cellphone sa Malabon City kamakailan.
Ang resulta – timbog ang 30-anyos na snatcher sa sa call center agent na kinilala ni Malabon Police chief Col. Amante Daro sa pangalang Patrick Manahan.
ang suspek sa pangalang Jeffrey Santillan, residente mula sa karatig na lungsod ng Navotas.
Sa imbestigasyon nina SSgt. Diego Ngippol at Cpl Rocky Pagindas ng Malabon PNP, papasok sa trabaho ang biktimang lulan ng pampasaherong e-trike nang biglang sumulpot at agawin ng suspek na si Jeffrey Santillan ang cellphone ni Manahan sa Barangay Tugatog, dakong alas 3:00 ng madaling araw.
Sa halip na magulat, agad na hinabol ng biktima ang snatcher hanggang sa masukol.
Tyempo naman nagpapatrolya sina Sgt. Joven Bacolod at Cpl. Richard Guiang na agad rumesponde sa tawag ng saklolo ng mga nakasaksi sa naturang insidente.
Narekober mula sa suspek ang hinablot na iPhone 13 Pro Max na nagkakahalaga ng P70,000.00.
Samantala, swak din sa selda 28-anyos na dalagang dumayo pa sa Malabon para magnakaw ng cellphone sa Barangay Catmon sa nasabing lungsod.
Nahaharap sa kasong theft ang suspek na si Rhealyn Hernandez na residente ng Tondo, Maynila.
Sa ulat ni SSgt. Jeric Tindugan kay Col. Daro, dakong alas 7:20 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng 38-anyos na biktimang si Mark Anthony Lapada.
Sa imbestigasyon, lumalabas na natutulog si Lapada nang pasukin ng suspek ang bahay kung saan nasipat di umano ang nakapatong na cellphone. Gayunpaman, nagising ang biktimang agad na tumawag ng saklolo sa Malabon Sunstation 4.
Agad naman nadakip nina Ssgt. Johnny Baruela at Cpl. Dominic Kinkito ang suspek. Nabawi rin ang ninakaw na cellphone.