NI LILY REYES
Tatlo katao ang nagtamo ng mga lapnos sa katawan matapos lamunin ng apoy ang isang hilera ng kabahayan dahil lang umano sa itinapong upos ng sigarilyo sa Quezon City.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog bandang 2:27 ng hapon sa kahabaan ng isang kalye sa Barangay Pansol ng nasabing lungsod.
Tatlong lalaking may edad 26 hanggang 63 ang agad na isinugod sa pagamutan matapos magtamo ng lapnos sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Dakong alas 4:16 ng hapon nang tuluyan maapula ang sunog na umabot sa ikalawang alarma.
Sa imbestigasyon, isang residente ang nakakita sa grupo ng mga teenager ang humihitit ng sigarilyo sa likod ng isang bahay na may nakatambak ng mga damit bago sumiklab ang apoy.
Gayunpaman, patuloy ang imbestigasyon ng BFP para alamin ang sanhi ng sunog.
