
MANANATILI sa likod ng rehas ang 10 miyembro ng Aegis Juris fraternity matapos hatulan ng Manila Regional Trial Court Branch 11 kaugnay sa hazing slay case sa University of Sto Tomas law freshman na si Horacio ‘Atio’ Castillo noong 2017.
Bukod sa parusang life imprisonment, inatasan din ni Manila RTC Judge Shirley Magsipoc-Pagalilauan sina Mhin Wei Chan, Jose Miguel Salamat, John Robin Ramos, Marcelino Bagtang Jr., Arvin Balag, Ralph Trangia, Axel Munro Hipe, Oliver Onofre, Joshua Macabali at Hans Matthew Rodrigo na magbayad ng P625,000 danyos sa pamilya ng biktima.
Mayo taong 2028 pa nasa Manila City jail ang mga sentensyado.
Unang hinatulan ng korte na guilty sakasong obstruction of justice noong 2019 si John Paul Solano na siyang nagdala kay Atio sa Chinese General Hospital bunsod ng pagsisinungaling sa korte nang sabihin niyang tinulungan niya ang mga pumalo kay Castillo (na inakala niya di umano estranghero) sa pagdadala sa pagamutan.
Lumitaw sa imbestigasyon na apat na oras na pinagsusuntok at hinampas ng paddle ang noon ay 22-anyos na si Castillo dahilan para mawalan ng malay ang UST freshman.
Tumagal din umano 30 hanggang 40 minuto bago dinala sa ospital si Castillo.
Unang sinabi ni Solano na inakala niyang estranghero si Castillo nang nakita niya itong nakasalampak sa bangketa
Dahil dito, pinatawan ng Manila Metropolitan Court Branch 14 si Solano ng dalawa hanggang apat na taong pagkabilanggo
Samantala, dinismis naman ng korte ang reklamo laban kay UST law dean at Aegis Juris alumnus Nilo Divina dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya.
Nasawi si Castillo dahil sa ‘severe blunt traumatic injuries’ na kanyang natamo sa ‘welcome party’ sa kanya ng grupo noong Setyembre 17, 2017.