ASAHAN ang mataas na presyo ng gasolina sa susunod na linggo.
Ito ang sinabi ng opisyal ng Department of Energy, posibleng madagdagan ng P1.95 hanggang P2.10 ang kada litro ng gasolina batay sa 4 days ng trading sa Mean of Platts Singapore.
Ito ang pinakamalaking dagdag sa presyo ng gasolina sa pagsisimula ng 2024.
Samantala, P0.65 hanggang P0.85 ang dagdag sa kada litro sa presyo ng diesel at P0.20 hanggang P0.30 sa kada litro ng kerosene sa susunod na linggo.
Karaniwang inaanunsyo ang oil price adjustments tuwing Lunes at ipinatutupad sa kasunod na araw.
