
NAKATAKDANG sumipa sa buwan ng Marso ang Duarian Exportation deal sa pagitan ng Pilipinas at China, ayon sa Presidential Communications Office (PCO).
Ayon sa PCO, aabot sa 7,500 metriko toneladang Durian mula sa rehiyon ng Davao ang pambungad na dami ng produktong nakatakdang dalhin sa China bilang katuparan ng kasunduang kalakalan na nasungkit ni Pangulong Ferdinand Marcos sa ginawang pagbisita sa China noong Disyembre ng nakalipas na taon.
Una nang ibinida ni Marcos sa isang pulong sa Malakanyang ang bentaheng kalakip ng mga pagbisita sa siyam na bansa mula nang maupo sa Palasyo – kabilang ang state visit sa China kung saan di umano napagkasunduan ang $2-billion fruit export deal na inaasahang magbibigay sigla sa lokal na sektor ng agrikultura.
“In its presentation, the agency said there is an initial volume of 7,500 metric tons of durians ready to be sent to the Asian country, which will be sourced from 59 different farmers or producers covering some 400 hectares of production area,” ani PCO Sec. Cheloy Garafil.
Paandar naman ng Department of Agriculture, ang hudyat ng durian exportation ay magbibigay-daan sa 10,000 trabaho.