
SA pagnanais isulong ang paglago ng ekonomiya ng bansa, ganap nang nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act 12145 na hudyat ng pagiging ganap na departamento ng National Economic and Development Authority (NEDA).
Sa kalatas ng Palasyo, partikular na tinukoy ang paglikha ng Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) na magsisilbing “primary policy, planning, coordinating and monitoring arm” ng executive branch sa larangan ng ekonomiya ng bansa.
“The establishment of the DEPDev contributes to sound economic governance by bridging past and future development strategies, ultimately ensuring our upward development trajectory and that economic progress is sustained, remains resilient, and is beneficial to all Filipinos,” pahayag ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan.