HIGIT sa P1 kada litro ang posibleng itaas ng mga kompanya ng produktong petrolyo bago matapos ang taon.
Sa advisory, sinabi ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. na magtataas sila ng gasolina ng P1.60, diesel ng P1.70, at kerosene ng P1.54.
Ganito rin ang ipatutupad ng Cleanfuel.
Epektibo ang taas-presyo ng alas-6 ng umaga ng Martes, Disyembre 26.
Inunahan na ng Department of Energy’s (DOE) Oil Industry Management Bureau (OIMB) ang taas-presyo na naghayag na noong nakaraang linggo bunsod na rin ng pag-iwas sa Red Sea dahil sa pag-atake ng mga rebelde sa lugar.
Sa pinakahuling datos ng DOE, nagkaroon na ng pagtaas sa presyo ng gasolina ng P11.00 kada litro, sa diel ng P3.95 per liter at pagbawas naman ng P0.31 kada litro sa kerosene mula Disyembre 19, 2023.