November 4, 2024

saksipinas

Palaban, Walang Kinikilingan

KAPOS NA SUPPLY NG BIGAS, IBINUNTON SA KONSYUMER

NI LILY REYES

SA halip na pasipain ang produksyon, mas pinili ng isang ahensya ng pamahalaan na ibunton ang sisi sa mga konsyumer na nagsasayang sa limitadong supply ng bigas sa merkado.

Ayon sa Philippine Rice Research Institute (PRRI), nasa P7.2-bilyong halaga ng bigas ang nasasayang kada taon dahil sa nakagawiang paghahain ng higit pa sa angkop na konsumo. Ang resulta, natitira lang ang pagkain sa plato.

Sa datos ng PRRI, hindi bababa sa dalawang kutsarang bigas ang natatapon kada araw – sapat para pakainin ang nasa dalawang milyong Pilipino kada taon.

Pagtataya ng Department of Agriculture (DA), inaasahan kakapusin ng hindi bababa sa 80,000 metriko tonelada ang supply ng bigas sa merkado pagsapit ng buwan ng Hulyo. 

Batay sa pag-aaral ng mga ekonomista, asahan ang pagtaas ng presyo ng anumang produkto sa merkado sa tuwing kinakapos ang supply sa mga pamilihan.