
INAASAHANG bababa ng mababa sa piso kada litro ang presyo ng diesel at kerosene prices sa mga susunod na araw – ang unang pagbaba sa halos 11 linggong nakalipas.
Mula pa noong Hulyo ay patuloy sa pagtaas ang presyo ng diesel at kerosene matapos maghayag ng pagtitipid sa produksyon ang mga malalaking oil players tulad ng Saudia Arabia at Russia.
Kinatatakutan din na umabot pa ng hanggang Disyembre ang pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo.
Inaasahan ang pagbaba ng diesel at gasolina ng hanggang P0.40 kada litro habang ang presyo naman ng kerosene ay posibleng bumaba ng hanggang P.50 hanggang P0.70 kada litro.
Sa nakalipas na 11 linggo, hindi bumaba ang presyo ng diesel at tumaas pa ng hanggang P17.30 kada litro habang ang kerosene naman ay umabot na sa P15.94 na ang itinaas. Samantala, tumaas naman ng hanggang P11.85 sa presyo ng gasolina mula noong Hulyo.