
TUMATAGINTING na P1.2 bilyon ang katumbas na halagang nawawala sa Pilipinas sa 24-oras na walang suplay ng kuryente sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ayon sa isang ekonomista.
Ayon kay Michael Ricafort na tumatayong chief economist ng Rizal Commercial Banking Corporation, nasa P300 milyong kita naman ang inaasahang mawawala sa Mayo 17 – ang araw na itinakda ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para resolbahin di umano ang paulit-ulit na aberya sa naturang paliparan.
Sa kalatas ng CAAP kamakailan, ipatutupad ang anim na oras na shutdown sa airspace para bigyang daan ang pagkukumpuni at pagpapalit ng mga palyadong power equipment sa NAIA.
“It ranges from about ₱100 to ₱300 million. That would be largely on passengers taking airlines. Most especially the foreign tourists,” ayon kay Ricafort a isang panayam sa programang Politics As Usual ng CNN Philippines.
“Because in a day, we do the math for the contribution to our economy, for foreign tourism businesses alone, it’s around ₱600 million per day. About a third of half of which will be disrupted by the closure of airport operations,” paliwanag pa niya.
Paniwala ni Ricafort, pinakamabigat ang dagok ng temporary shutdown sa airspace ang sektor ng turismo.
Nasa 130 flights ang apektado ng ‘scheduled shutdown’ ng CAAP sa Mayo 17 – panahon kung kailan higit na mataas ang bilang ng inaasahang pagbisita ng mga turista sa bansa.
“The scheduled temporary closure of the Philippine airspace is likely to disrupt just about 130 flights, but is expected to cost more because the country has more tourists right now compared to a few months ago.”
“Certainty is of course important, as well as predictability. If they cannot arrive at their places of destination within the country, they would have to forego what otherwise they will be spending,” pagtatapos ng ekonomista.