BAHAGYANG maiibsan ang pasakit sa mga pamilyang Pilipino matapos kumpirmahin ng mga kumpanya ng langis ang nakatakdang tapyas-presyo sa bentahan ng liquefied petroleum gas (LPG) na karaniwang gamit sa pagluluto.
Sa kalatas ng Petron at Phoenix Petroleum Philippines, kasado ngayong buwan ng Marso ang rollback sa LPG.
Gayunpaman, taliwas sa inaasahang P6 kada kilong rollback ang inihayag sa bawas-presyo.
Para sa LPG na gamit sa mga kabahayan, P3.50 lang ang ibinawas ng Petron at Phoenix, habang P1.95 naman sa auto-LPG na gamit sa mga piling sasakyan.