
MAGANDANG balita sa mga motorista. Asahan ang panibagong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo pagsapit ng Martes, Mayo 2.
Ayon kay Department of Energy – Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, asahan ang P1.00 hanggang P1.20 bawas sa presyo kada litro ng krudo, habang maglalaro naman aniya sa P1.20 hanggang P1.44 ang rollback sa bentahan ng gasolina.
Kabilang rin sa inaasahang bababa ang presyo ang kerosene na karaniwang gamit sa pagluluto. Sa pagtataya ni Romero, P1.00 hanggang P1.10 kada litro ang tapyas sa presyo kada litro ng kerosene.
Paliwanag ng opisyal, bumaba ang global demand ng petrolyo sa buong mundo.
“Oil kept falling in Asia as the outlook for global demand remained in question.”