
NAKAPAG-REMIT umano ang Land Bank of the Philippines ng P50 bilyong kontribusyon sa Maharlika Investment Fund (MIF).
Sa pahayag, sinabi na ang naturang halaga ay bilang investment sa wealth fund sa pamamagitan ng Bureau of Treasury noong Setyembre 14.
Ayon sa batas, nangangailangan ang Landbank at gobyerno na maglaan ng P50 bilyong bawat isa sa MIF. Maglalagay din umano P25 bilyon ang Development Bank of the Philippines.
“With the regulatory requirements in place, and after securing the seed capital from state-run institutions, we are confident that the Fund will be operational by yearend,” sabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno.
Noong Agosto ay inilabas ng MIF ang ipatutupad na regulasyon kasabay ng pagsabi ni Diokno na marami na silang natanggap na aplikasyon sa mga interesadong managers ng Maharlika fund.