MATAPOS ang bigtime oil-price hike noong nakalipas na Martes, rollback naman ang inaasahan sa pagpasok ng susunod na linggo, ayon sa Department of Energy (DOE).
Partikular na tinukoy ni DOE – Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero ang galaw ng presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.
“Based on our four-day monitoring for the international oil market, there will be a rollback on the prices of gasoline and diesel,” maikling paliwanag ni Romero.
Sa pagtataya ng opisyal, maglalaro mula 40 hanggang 60 sentimos ang rollback sa presyo kada litro ng krudo, habang inaasahan naman aabot sa P1.30 hanggang P1.50 ang tapyas sa bentahan kada litro ng gasolina.
Gayunpaman, walang inaasahang paggalaw sa presyo ng kerosene.
“Kerosene might have no adjustment at all or it might have a rollback or an increase, depending on the last trading today,” dagdag pa ni Romero.