NAGBABALA si Finance Secretary Benjamin Diokno na ang pagsuspinde ng excise tax sa produktong petrolyo ay inaasahang may seryosong epekto sa kaban ng bayan at sa ekonomiya.
Ang panukala ng mga mambabatas ay maituturing umanong hindi pinag-isipan. Ipinanukala ng mga mambabatas ang tatlong buwan na suspensiyon sa fuel products na ayon kay Diokno ay nangangahulugan lamang ng mas pagsirit ng presyo ng gasolina.
“Removal of taxes is a popular move for politicians but legislation takes time. Once the elevated oil prices subside, it may not be easy to restore taxes on oil products,” ayon kay Diokno.
Lubhang maapektuhan umano ang ekonomiya ng bansa gayundin ang international credit rating at debt management strategy sa kabuuan.
Naniniwala rin si Diokno na tanging ang mayayaman lamang ang makikinabang dito dahil hindi ito solusyon upang inflation.
Sakaling matuloy ang pagsususpinde ng excise tax, possible umano ang pagkalugi ng gobyerno ng hanggang P41.4 bilyon sa excise tax at P31.2 bilyon naman sa value added tax para sa kabuuang P72.6 bilyon kita para sa fourth quarter pa lamang.
Ang naturang halaga ay inaasahan na umano sa ilalim ng 2023 budget upang pondohan ang mga proyektong prayoridad ng gobyerno tulad ng social services at imprastruktura.
Nangangahulugan din na ang mga nawalang kita ng gobyerno ay magiging karagdagang utang at interes na posibeleng umakya sa 61.7 porsiyento mula sa tinatarget na 61.4 porsiyento base sa medium-term fiscal framework.
