November 4, 2024

saksipinas

Palaban, Walang Kinikilingan

ROLLBACK SA LANGIS KASADO SA MARTES

NI LILY REYES

MATAPOS ang dikit-dikit na oil price hike, nakatakda naman magtapyas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa merkado ang Department of Energy (DOE) pagsapit ng araw ng Martes, Pebrero 28.

Ayon sa kalatas ng DOE, asahan ang P1.68 kada litrong tapyas presyo sa krudong ikinakarga ng mga pampublikong transportasyon. Piso kada litro naman ang inaasahang bawas sa bentahan ng gasolina at P1.90 sa kerosene na karaniwang gamit sa pagluluto.

Walang paggalaw sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG). Gayunpaman, nagpahiwatig ang kagawaran sa napipintong P6.00 kada kilong bawas sa presyo ng LPG pagpasok ng buwan ng Marso.