November 5, 2024

saksipinas

Palaban, Walang Kinikilingan

WFH, 4-DAY WORK WEEK SAGOT SA ENERGY CRISIS?

NI ANTON ANGELES

SA gitna ng nakaambang rotational brownout bunsod ng manipis na supply ng kuryente, isa sa nakikitang solusyon ng Department of Energy (DOE) ang pagpapatupad ng work-from-home (WGH) set-up para sa mga nagtatrabaho sa mga pribadong sektor.

Target naman ng Department of Finance (DOF) ng implementasyon ng four-day work week sa mga tanggapan ng gobyerno.

Sa pulong-balitaan sa Palasyo, binigyang diin ni Finance Sec. Benjamin Diokno qng bentahe ng isinusulong na implementasyon ng ‘daylight-saving time’ na isinusulong ng DOE sa hangaring makatipid ng kuryente.

Gayunpaman, nilinaw ng Kalihim na pansamantala lamang ang naturang programang bahagi ng mga mekanismo kontra inflation.

Pinakita rin namin na napaka-importante na i-address natin yung energy kasi isang complaint talaga sa Pilipinas ay napakamahal ng energy cost,” ani Diokno.

“Isa sa mga proposal, uumpisahan ng DOE, ay magkakaroon siya ng change ng time ng pagpasok sa opisina. Umpisahan ‘yan ng 7 AM tapos matatapos sya ng 4 PM. Ito yung daylight saving time.”

Sakaling magbunga ng maganda ang DST, isusulong naman anila ang naturang sistema sa pribadong sektor – bukod sa WFH set-up na tinutulak na rin ng DOE.

“We cannot mandate the office hours for the private, but mostly government agencies. Baka sumunod na rin yung private sector. Maganda nga ito, mas maaga ang pasok mo, di ba? Hindi ma-traffic. You go early and then you go back earlier also,” aniya pa.

Huling ipinatupad ang DST sa ilalim ng administrasyon ng yumaong dating Pangulo Corazon Aquino.

“We did this before during the energy crisis. Nagtataka nga ako bakit we did not do this sooner. Sana tinutukan natin kaagad ‘to. Kasi we cannot influence ang presyo ng supply but we can do something on the demand side,” litanya pa ng Kalihim.