November 12, 2024

saksipinas

Palaban, Walang Kinikilingan

DEGAMO SLAY SUSPECTS, HANDANG INGUSO SI ‘AMO’

NI ANTON ANGELES

NAKATAKDANG ipasok sa programang Witness Protection Program (WPP) ng Department of Justice (DOJ) ang apat na arestadong suspek na aminadong pumatay sa 10 katao kabilang si Negros Oriental Gov. Roel Degamo, at 12 iba pa noong 2019.

Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), nagpahayag ng kahandaan makipagtulungan sa imbestigasyon hanggang sa pagsasampa ng kaso sa kanilang tinatawag na ‘amo’ ang dalawa sa apat na suspek na ibiniyahe sa Maynila bilang paunang proteksyon.

Gayundin anila ang dalawang iba pang nasa kustodiya ng Philippine National Police (PNP).

“However, early this afternoon, the remaining two respondents likewise expressed their intention to cooperate. Thus, the PNP and NBI have agreed to the turnover of the remaining two respondents,” ayon kay DOJ spokesperson Mico Clavano.

Paglilinaw ng DOJ, nasa proseso pa ng beripikasyon ang pahayag ng mga suspek na sinampahan na patong-patong na kasong murder at frustrated murder kaugnay ng mga pamamaslang na naganap noong 2019.

Three counts ng kasong murder at frustrated murder ang inihain sa Tanjay, Negros Oriental Regional Trial Court, habang illegal possession of firearms, ammunitions, and explosives naman ang isinampa sa Maynila laban sa mga suspek.

Kabilang sa mga kinasuhan sina Joric Garido Labrador, Joven Calibo Javier, Banjie Buladola Rodriguez, Osmundo Rojas Rivero at 12 John Doe.

Kasama sa mga kinasuran ng murder at frustrated murder kaugnay ng pagpatay noong 2019 si Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves.

Batay sa reklamong ­inihain ng PNP-CIDG, sangkot di umano si Teves sa pamamaslang noong Marso 25, 2019 malapit sa Siliman Medical Center, sa Dumaguete City; Sitio Labugon, Brgy. Nago-alao, Basay, Negros Oriental, Mayo 26, 2019; at sa Brgy. Malabugas, Negros Oriental, Hunyo 23, 2019.