
HINDI na natuto – isang linya sa awitin ni premyadong balladeer na si Gary Valenciano. Bakit kanyo mga kumpadre’t kumadre? Dangan naman kasi, may nakapag bulong sa inyong lingkod hinggil sa nakaambang peligro sa ginagawang gusaling magsisilbing tahanan ng Senado.
Isipin niyo ba naman Joel Locsin at Angie Rosales, naibulong sa akin ng isang Seksing Saksi natin sa Taguig na pinangangasiwaan ni Mayor Lani Cayetano ang usapin hinggil sa ginagawang pangungultab ng badyet sa pagpapagawa ng Senate Building sa naturang lungsod. Totoo kaya ito Florante Rosales?
Ewan ko kung totoo o hindi Porky Porcalla pero ang bulong sa akin ng ating Seksing Saksi ay lalagpas sa sampung baboy o P10 billion ang gagastusin sa high tech na Senate Building.
Wala naman duda di ba Joel Reyes Zobel ng DZBB na talagang kailangan magkaroon ng sariling bahay ang Senate of the Philippines? Pero bakit hindi katabi ng Batasang Pambansa na kung saan andun ang Philippines House of the Representatives. Kataka-taka nga di ba Vic de Leon Lima ng DZME?
Kung papairalin natin ang tamang pag-iisip, mga kumpadre’t kumadre dapat magkalapit ang bulwagan at mga tanggapan ng dalawang sangay ng lehislatura – ang House of Representatives at ang Senate – upang maging mabilis ang ugnayan sa pagpasa ng mga batas at pondo ng pamahalaan.
Ano kamo Bobby Ricohermoso na consultant ni PCSO General Manager Mel Robles na ang hirit nila Madelyn Dominguez ng National Press Club (NPC) at Sonny Fernandez ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), pwede naman sa area ng Payatas sana ilagay ang new Senate kung ayaw nila sa GSIS Building?
Pero ang isang katakataka dagdag ng Seksing Saksi natin na tambay sa isang sikat na coffee shop sa Don Chino Roces Avenue, imbes na buhos ng semento ang ginawa sa treasury ay hollow blocks daw ang ginamit, anong say mo Executive Director Rene Chua ng Office of the Senate Deputy Secretary for Administrative and Financial Services?
Teka, tanungin nga natin si dating Senator Ping Lacson kung sino ang kontratista ng new Senate Building? Tama ba dating Vice President Jojo Binay at dating Mayor Junjun Binay na hinding hindi niyo makakalimutan si Boss Efren Canlas ng Hilmarcs Construction Co.? Sila dating VP Jojo Binay, dating Mayor Junjun Binay at Boss Efren Canlas ay pawang nahaharap sa asunto kaugnay ng Makati City Hall Parking Building.
Teka bakit nga ba Weng Salvacion ng DZBB mas malaki pa ang badyet ng Makati City Hall Parking na tinatayang dalawampu’t walong baboy o P28 billion kumpara sa sampung baboy o P10 billion ng bagong Senate Building?
Baka naman si Macon Araneta ng Manila Standard e meron idea at madalas ata niyang nakakaututang dila sila Senator Nancy Binay?
Tama ba Boying Abasola ng Philippine News Agency na si Senator Nancy Binay ang chairwoman ng Senate Committee on Accounts?
I rest my case your honor di ba Raffy Jimenez ng GMA News Online? Muli paalala sa ating mga mambabasa – bawal ang pikon, ang pikon ay hindi nagwawagi! Peace be with you.