USAP-USAPAN sa mga huntahan ng mga prominenteng negosyante ang napipintong balasahan sa Gabinete ng administrasyong Marcos Jr.
Katunayan, may mga impormasyon nagtuturo sa Palasyo na di umano’y nasa likod ng mga batikos sa mga nais palitan pagsapit ng Hunyo.
Mas umugong ang rigodon nang aminin mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang posibilidad ng pagtatalaga sa mga talunang manok na sumabak sa halalan noong Mayo ng nakalipas na taon.
Sa ilalim ng umiiral na batas, isang taon ang kailangan hintayin ng mga talunan sa halalan bago makapasok ulit sa pamahalaan.
Kabilang sa mga matunog na papasok sina former Defense Sec. Gilbert Teodoro, Larry Gadon, Harry Roque, Manny Piñol at iba pang natalong kandidato galing sa ibang bakuran.
Susmaryosep! Sa halip na magbawas ng tao sa gobyerno (tulad ng pangakong binitawan sa kanyang unang SONA) target pa ng Pangulo magdagdag ng sakit ng ulo sa gobyerno!
Malinaw ang adyenda ng administrasyon — tiyakin kontrolado ang lahat ng departamento at kawanihan.
Katwiran ni Marcos, gusto daw ng mga talunan tumulong sa gobyerno. Anong katiyakan ni Marcos na pagtulong at hindi pagsasamantala ang adyenda ng mga nais bumida sa iba’t ibang departamento?
Ang sagot, wala – maliban na lang sa rekomendasyon ng kanyang Unang Ginang
Sa ilalim ng mga probisyon ng umiiral na 1987 Constitution – “no candidate who has lost in any election shall, within one year after such election, be appointed to any office in the Government or any government-owned or controlled corporations or in any of their subsidiaries.”
Tapos na ang one-year ban kaya naman parating na ang mga tunay na kampon ng administrasyon.
Mukhang tama ang mga dilawan — unithieves nga yan!