
ANG wika ng nasirang ina ni Senadora Grace Poe, kapatid ng magnanakaw ang sinungaling.
Totoo ba ito ex President Rodrigo Duterte Ayoko magtanong kay Ninang Congresswoman GMA at baka makarinig ako ng BS (short for bullshit) di ba Pampanga Governor Delta Pineda?
Natatandaan mo ba Darryl John Esguerra ng Philippine Daily Inquirer na sinabi ng tatay ni Vice President Inday Sara Duterte na hindi siya payag sa mga proposal ng ilang dambuhalang negosyante na mag reclaim sa Manila Bay.
Naniwala naman ang noo’y Pagulong Duterte na isang maginoong may palabra de honor… di ba ex Speaker Pantaleon Alvarez?
Ano kanyo dating Senadora Laila de Lima para bang binabae ang isang lalaki na walang palabra de honor? Marahil ang hirit ni Senator Bong Go at ni Senator Bato Dela Rosa na political maverick lang!
OOoOO
Sino ba nag-advise kay Senator Win Gatchalian, Ateng Ichu Villanueva ng Philippine Star, di ba Bobby Ricohermoso na Consultant ni PCSO General Manager Mel Robles?
Naku kung si Elmer Mesina lang ang tatanungin natin ang sasabihin niya kay Senator Win Gatchalian, malamang ganito:
“Hindi appropriate na magbigay ako ng comment dahil tatay ko ang involve pero alam niyo naman ang totoo.”
Ang kinalabasan kasi sa online news, newspapers, radio at TV na yung sinabi ni Senator Win Gatchalian ay self serving.
Tuloy ang sabi sa akin ni Mang Gorio na Tsuper ng Jeep na pumapasada mula Crossing sa Edsa at Shaw Boulevard hanggang Tanay kung siya ba na isang ordinaryong mamamayan ipagtatanggol rin ba siya ni Senador Win Gatchalian?
Kundi sabi sa akin ni Mang Gorio eh di talo!
OOoOO
Nak ng singkong dokleng naman si Senator Chiz Escudero di ba Badet Tamayo ng Manila Times?
Akala namin ni Estong Reyes smart boy si Senador Chiz Escudero… tila mali ang aming pakiwari tama ba Macon Araneta ng Manila Standard?
Muhkang largado rin yung nag feed ng information kay Senator Chiz Escudero, di ba Hannah Torregoza ng Manila Bulletin?
Bakit kanyo Porky Porcalla at Angie Rosales? Muhkang hindi nabasa ni Senator Chiz Escudero ang buong detalye o kaya napanood sa 24 Oras ang ulat ni JP Soriano na kung saan isa sa mga concerns ng US Embassy ay ang banta sa national security.
Alam nina Ambassador Elmer Cato at dating Press Attaché Jun Burgos na ang una dapat na ginawa ng staff ni Senator Chiz Escudero ay nakipag-ugnayan muna sa US Embassy upang masiguro na tama ang facts bago nag ngangawa.
Nagmistulang spokesperson ng Chinese government tuloy si Senator Chiz Escudero.
Sabi dati isang political mentor namin ni Classmate Ed Cordevilla sa Manila Chronicle, dapat sa isang politiko alam kung kelan magsasalita at alam kung kelan tikom ang bibig, sang ayon ka ba Ares Gutierrez ng Quezon City Government?
OOoOO
Buti pa si Senator JV Ejercito di ba kosang Non Alquitran ng Pilipino Star Ngayon nag tweet kamakailan at sinabi niya:
“Soon we will not be able to see the famous sunset at Manila Bay from Roxas Boulevard. Wala na rin wedding by the sea sa Coconut Palace at sa Sofitel sa ngayon. Simple things we will miss….”
Statement of facts di ba Jean Fernando ng Manila Bulletin? Walang bahid, sincere!
Sincere rin naman si Senator Jinggoy Ejercito Estrada di ba Atty. Mario Gravamen?