
DEADMA ang laro ng karamihan sa mga negosyante at politiko kung napapasok sila sa kontrobersiya di ba Ka Ipe Lustre?
Unahin natin ang ulat na lumabas sa Japan Times na sinulat ni Jef Feeley ng Bloomberg tungkol sa 40-ektaryang Okada Manila na nagkakahalaga ng 2.6 Billion US Dollars.
Sinabi ni Jef Feeley sa kanyang ulat: “In a filing (Monday, July 31, 2023) in Delaware Chancery Court, the SPAC, 26 Capital Acquisition, claimed that Universal (Entertainment) executives brought ‘heavy luggage’ to a meeting with Philippine House of Representatives Speaker Martin Romualdez to try to secure his support in the dispute” upang makuha muli ang pagpapatakbo at pagpapalakad sa Okada Manila.
Ang 26 Capital Acquisition na pinamumunuan ni Springowl Asset Management CEO Jason Ader ay nag invest ng 275 Million US Dollars sa Okada Manila na kung saan 88 percent nito ay pagmamay-ari ng Universal Entertainment.
Nagkagulo-gulo ang mga opisyal ng Universal Entertainment nagpapatakbo ng Okada Manila matapos masibak ang bilyonaryong si Kazuo Okada bilang chairman of board ng Tiger Resort Asia noong nakaraang taon.
Pero ipinag-utos ng Korte Suprema na ibalik si Okada bilang chairman ng Tiger Resort Asia na isang yunit ng Universal Entertainment bilang casino operator ng Okada Manila. At dahil dito, nag latag ng plano ang Universal Entertainment upon mabawi ang pagpapatakbo at pagpapalakad sa Okada Manila.
Pero Ed Sarto ng DZME, responsableng mamamayahag naman si Jef Feeley kaya kinontak niya si Speaker Martin Romualdez at si Atty. Brad Davey na abogado ng Tiger Resort Asia ni Kazuo Okada sa Wilmington, North Carolina, US of A.
Tama ka Ryan Pacpaco ng Philippine Star, hindi nag reply si Speaker Martin Romualdez sa mga emails ni Jef Feeley, ganon rin si Atty. Brad Davey.
OOoOO
Buti pa ang Waterfront Manila ni Boss William Gatchalian sumasagot sa bilyonaryo.com nila Gil Cabacungan at Tatin Marfil. Pinaunlakan rin ni Boss Sergio Ortiz-Luis na Chairman ng Waterfront ang request na ma-interview siya ni Igan Clavio ng 594 DZBB at ni Tony Vasquez ng 630 DWPM. Importante ang pahayag ng mga kumpanyang nasasangkot sa kontrobersiya upang ang mga ordinaryong mamamayan tulad nila Mang Gorio na Tsuper ng Pampasaherong Jeep o kaya si Aling Pinang na Street Vendor ay magkaroon ng kaalaman kung mabuti o masama ang mga proyektong sinusulong nila.
Tulad ni Speaker Martin Romualdez, deadma rin sila Manila Mayor Honey Lacuna, Pasay Mayor Emi Calixto-Rubiano, Pasay Congressman Tony Calixto at Navotas Mayor John Rey Tiangco pati ang mga nagmamay-ari ng mga isinasagawang reclamation sa Manila Bay tulad nila Boss Wilson Tieng ng Manila Solar City, Boss JR Legaspi ng Manila Gold Coast, Boss Bigboy Sy ng SM Prime at Boss Charlie Gonzales ng Pasay Harbor at Boss Ramon Ang ng Navotas Coastal Bay kaugnay sa kanilang mga reclamation projects sa Manila Bay di ba Ateng Cely Bueno ng DWIZ?
Anong palagay mo Manny Mogato ng PressOne.ph kasing edad ba ni Koyang Ted Failon ng Radyo5 sila Speaker Martin Romualdez, Manila Mayor Honey Lacuna, Pasay Mayor Emi Calixto-Rubiano, Pasay Congressman Tony Calixto at Navotas Mayor John Rey Tiangco pati ang mga nagmamay-ari ng mga isinasagawang reclamation sa Manila Bay tulad nila Boss Wilson Tieng ng Manila Solar City, Boss JR Legaspi ng Manila Gold Coast, Boss Bigboy Sy ng SM Prime at Boss Charlie Gonzales ng Pasay Harbor at Boss Ramon Ang ng Navotas Coastal Bay na naniniwalang lilipas rin yan kahit marami ang nakikisawsaw sa Manila Bay reclamation issue matapos ibahagi ng US Embassy ang kanilang pangamba?
Ang Navotas na bayan rin ni Congressman Toby Tiangco ang magsisilbing gateway ng Calabarzon pati ng Pateros, Taguig, Makati, Pasay, Manila at Malabon patungong New Manila International Airport ni Boss RSA sa Bulakan, Bulacan, di ba Mayor Vergel Meneses?
Lingid sa kaalaman ng ating mga kumpadre’t kumadre pati na rin ang masugid na mambabasa ng Saksi Pinas na ang mga ilog sa Metro Manila mula probinsya ng Cavite, Rizal, Bulacan, Pampanga at Nueva Ecija ay papuntang Manila Bay na nagsisilbing natural catch basin kapag umuulan o binabayo ang Luzon ng bagyo.
Kung magkakaroon ng balakid tulad ng sobrang daming reclamation sa Manila Bay hindi malayong lumubog ang Metro Manila, tama ba Architect Jun Palafox?
Merong tama ang maralitang taga-lungsod at mga mangingisda sa Metro Manila, Cavite, Bulacan at Pampanga di ba Tats Rejante-Manahan at Richard Evidente na pawang opisyal ng Heritage Conservation Society?
Sabagay ang target customers naman ng Navotas Coastal Bay ni Boss RSA, Boss Charlie Gonzales ng Pasay Harbor, Boss Bigboy Sy ng SM Prime, Manila Gold Coast ni Boss JR Legaspi, Boss Wilson Tieng ng Manila Solar City at Boss William Gatchalian ng Waterfront Manila ay yung merong pambili ng bagong condominium units o kaya bagong duplex sa sangkaterbang reclamation projects sa Manila Bay na pwedeng pagpilian.