TIYAK na tiyak na hindi lang sa balde pagkakasyahin ni Criminal Investigation and Detection Group Director Major Gen. Leo Francisco ang mga damuhong di umano’y kanyang inatasan para mangolekta ng limpak-limpak na pera mula sa mga illegal gambling operators sa Calabarzon region.
Dangan naman kasi, umuusok sa galit ang ilong ni Major Gen. Francisco matapos makarating sa kanyang kaalaman na kaladkad pala ng hindi lang isa, dalawa o tatlong damuho ang kanyang pangalan sa lingguhang pangongotong sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.
Sino nga ba ang mga damuhong tinutukoy ni Gen. Francisco?
Ayon sa ating impormante, kabilang sa puntirya ngayon ng CIDG chief sina John-John, Jack, Magsino, Kenneth at Larry na may milyones na koleksyon mula sa mga illegalista ng Calabarzon region.
Si John-John ay kumokolekta ng higit P300,000 kada linggo sa STL-con-JUETENG, BOOKIES, PAIHI, SAKLAAN at mga pergalan kabilang nina alyas Egay Lumagi at alyas Manny sa lalawigan ng Cavite.
Si Jack Visaya naman ang kapustahan sa mga PERGALAN nina alyas Boknoy sa labas ng Target Mall, Donya Tessie at Mely at mga devil machine operator o VIDEO karera na kalat ngayon sa lalawigan ni Laguna Governor Ramil Hernandez.
Sina Magsino at Kenneth ang protektor ng mga PAIHI ni alyas Dondon Alahas at BULOY sa Port of Batangas sa Brgy. Sta. Clara, mga pergalan, STL-con-JUETENG, BOOKIES, PAIHI at SAKLAAN ni alyas Mike Romantiko na pinatatakbo nina TISOY, NONIT at Jeff at gambling operator na si GLENDA sa lungsod ng Lipa sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Eric Africa at bayan ng Padre Garcia ni Mayor Celsa Rivera.
Dahil tatakbong gobernador ang gambling operator na si Mike Romantiko, pinalawak nito 24/7 ang operasyon ng kanyang mga illegal na pasugalan sa buong lalawigan ng Batangas.
Kung Hindi ako nagkakamali naaresto na itong si Magsino at nakuhanan pa ng hindi lisensyadong baril nang mahuli sa akto ng pangongolekta ng lingguhang tara na para daw kay PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil.
Ngunit nakalaya sa di batid na dahilan at nagsama pa ng Isang alyas Kenneth na kapwa itinatara o PAYOLA ang butihing CIDG-director na si Gen. Paco Francisco.
Kaya ang pakiusap ng “Kalawit” kay Gen. Francisco, ikalaboso na sina Magsino at Kenneth na yumuyurak sa pangalan ng PNP.
Siga naman sa lalawigan ng Quezon Province itong si alyas Sgt. Larry na ang pakilala sa lahat ay ang itinalagang kolektor ng CIDG-Crame at Quezon PNP Provincial Police Office.
Ikinukuha din ng PAYOLA ni LARRY ang Quezon PPO na pinamumunuan ni Col. Ledon Monte sa lalawigan ni Quezon Gov. Angelina Tan.
Ayon sa insider ng “Kalawit” kumokolekta si Sgt. LARRY ng weekly PAYOLA sa mga operator ng pergalan, logging at oil smuggler na si alyas Violago na hindi kukulangin sa P300,000 kada dapo.
Anak naman ni Tata Jack Visaya na si Randy ang kolektor sa lalawigan ng Rizal pagdating sa lingguhang PAYOLA sa mga illegal na SAKLAAN ni JAY at LOTTENG ni alyas Bong Zola at JUETENG operator na alyas John Yap.
Ipinagmamalaki naman ni Randy na nag-utos sa kanya para kumuha ng lingguhang PAYOLA sina Donya Tessie at alyas Sgt. Adlawan na nagpapakilalang kolektor ng Batangas PNP-PPO.
Ang masakit lang nito mga ka-kalawit, hindi ipinapahuli ni Rizal PNP Provincial Director Col. Felipe Maraggun itong sina alyas John Yap at alyas Bong Zola.
Bakit kaya? Abangan.
