SA hangaring ibida ang kakayahan ng mga Pinoy sa larangan ng palakasan, isasabak ng Philippine Olympic Commission ang 905 pambatong atleta para sa 32nd Southeast Asian Games na gaganapin sa bansang Cambodia sa Mayo ng kasalukuyang taon.
Sa kalatas ni POC President Abraham Tolentino, bahagi din ng delegasyon ang 257 opisyal ng mga tanggapang may kinalaman sa iba’t ibang laro sa paligsahang ginaganap kada dalawang taon.
Sisipa ang palaro ng mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa ika-5 ng Mayo at inaasahang magtatapos naman sa Mayor 17.
Kumpyansa rin si Tolentino na makapag-uuwi ng mga medalyang patunay ng husay at kakayahan ng mga atletang Pinoy sa pandaigdigang paligsahan.
Katunayan aniya, may pambato ang Pilipinas sa 608 events ng 38 klase ng sports.