HINDI pa man ganap na nakakabangon ang mga Cebuano sa trahedya, isang panibagong lindol ang umaga sa lalawigan ng Cebu kahapon.
Sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), pumalo sa magnitude 5.8 ang lindol na pinaniniwalaang bahagi ng tinatawag na aftershock matapos yanigin ng magnitude 6.9 na lindol ang lalawigan noong Setyembre 30.
Sa datos ng PDRRMO, 14 indibidwal ang isinugod sa pagamutan bunsod ng tinamong pinsala sa katawan. Kabilang sa mga nasugatan ay mula sa San Remigio, Daanbantayan, at Bogo City.
Nagsasagawa na rin umano ng damage assessment ang pamahalaang panlalawigan ilang oras matapos ang naturang aftershock. (LILY REYES)
