PUSPUSAN ang isinasagawang search and rescue operations ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isang fishing boat na naglayag sa Pacific Ocean.
Sa ulat ng Coast Guard Station Northern Quezon, 15 mangingisda ang sakay ng fishing boat na FBca ZSHAN na pinaniniwalaang inabutan ng masamang panahon habang nangingisda sa isang bahagi ng Pasipiko hindi kalayuan sa Polillo Island sa lalawigan ng Quezon.
Huling namonitor ang FBca ZSHAN Lunes ng madaling araw, September 2, habang kausap ng kapitan ang isa pang fishing boat para sa paglalayag naman patungo sa isang isla sakop ng Burdeos, Quezon sa gitna ng malakas na alon bunsod ng masamang panahon..
Gayunpaman, hindi na umabot sa naturang isla ang nawawalang fishing boat na umalis sa port sa Barangay Dinahican sa Infanta, Quezon noong pang August 18.
