
PORMAL nang nanumpa bilang miyembro ng Sangguniang Bayan ng Angono ang dalawang bagong mukha sa konseho.
Sa isang simpleng seremonyang kalakip ng unang regular session ng Sangguniang Bayan, pinangasiwaan ni Angono Mayor Jeri Mae Calderon ang panunumpa sa tungkulin ni Aryann Matusoc na hinirang na kahalili ng yumaong Konsehal Bitoy Matusoc.

Pasok na rin sa konseho si SK chairman Matthew Lagaya na kumakatawan sa hanay ng kabataan, kapalit ni Ivan Ang.

Pagkatapos manumpa, agad na binuksan ni Vice Mayor Gerry Calderon ang first regular session para sa kasalukuyang taon.