
PARA kay former Civil Service Commission Chairperson Karlo Nograles, isang malinaw na indikasyon sa kawalan ng maayos trabahong may kalakip na tamang sweldo ang naitalang pagtaas sa “self-rated poverty” at “food poverty” sa Mindanao – kabilang ang lungsod ng Davao.
Ayon kay Nograles, ang pinakahuling datos ng Social Weather Stations (SWS) hinggil sa mga mamamayang itinuturing na mahirap ang kanilang sarili at nakaraanas ng kagutuman sumasalamin sa kakarampot na panustos sa mga pangunahing pangangailan tulad ng pagkain.
“Those of us in Mindanao should be particularly concerned because this latest survey reveals that 3 in 4 Mindanawons believe they are poor, while roughly 7 in 10 Mindanawons say they do not earn enough to adequately feed their families,” pahayag ng former Davao City congressman.
“Sa pag-iikot ko, ito din ang pinapahiwatig ng mga nakakausap ko, kaya maraming naghahanap ng ayuda. But ayuda is just a short-term solution. Ultimately the most effective way to ensure our kababayan earn enough for their needs is to generate quality, high-paying jobs,” ani Nograles.
“Kasi hindi sapat ang kinikita nila sa trabaho nila ngayon. This is the status quo, and we have to do something about it,” dugtong pa niya.
Base sa SWS polls na pangasiwaan noong buwan ng Disyembre ng nakalipas na taon, ang Self-Rated Poverty ay pinakamataas sa Mindanao, na nasa 76%, kasunod ang Visayas sa 74%, habang sa Balance Luzon ay naitala ang 55%, at sa Metro Manila naman ay sa 51%. Ang national rate naman ay nasa 63%, na mataas na 4 points mula sa 59% noong September 2024.
Nakasaad din sa naturang survey na ang Self-Rated Food Poverty ay pinakamataas pa rin sa Mindanao sa 68%, sinundan ng Visayas sa 61%, Balance Luzon na nasa 42%, at Metro Manila sa 39%. Sa national level ay naitala ang 51% sa mga pamilya na naniniwalang sila ay Food-Poor.
“Malaki ang potential ng Davao City to become an investment and logistics hub. There are studies that show this. Pag nagawa natin ito, hindi lang tayo makaka-produce ng maayos na trabaho para sa mga taga-Davao City, pero para sa mga ibang kababayan din natin sa Mindanao,” wika ng dating kongresista.
Naniniwala si Nograles na dapat pagtuunan ng pansin ng lungsod na magkaroon ng katuparan ang Southern Philippines Logistics Hub Project, kung saan tinitignan ang Davao bilang alternatibo sa Singapore.
“Davao City is strategically located as a gateway to countries like China, Japan, and other ASEAN markets. We have a seaport for domestic and international cargo: Sasa Port. We also have the Davao International Airport, Davao City Overland Transport Terminal, Mati Port, and Davao International Container. We have the requisite components. We just need to address the challenges that prevent us from maximizing these assets,” sabi pa ng Cabinet Secretary.
Ani Nograles, ang mga nasabing katulad na malalaking proyekto ay dapat magkaroon ng pagtutulungan ng mga kalapit na lokal na pamahalaan, national government, foreign aid agencies at pribadong sektor.
“Maraming moving parts ito. But I’m confident that we have the experience, the network, and the tools to make this happen.” (Romeo Allan Butuyan II)