
KALIGTASAN kontra kapahamakan ang nakikitang dahilan sa likod ng pagtanggi umupo bilang miyembro ng Election Board ang hindi bababa sa 30 guro mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Gayunpaman, iba ang dahilan sa Comelec ng hindi pinangalanang guro mula sa naturang rehiyon.
“Meron na tayong mga more or less, mga 30 na mga guro na hindi makakapaglingkod sa Bangsamoro sapagkat may karamdaman o dahil sa kanilang relasyon sa mga kandidato,” ayon kay Comelec Chairman George Garcia.
Pinawi naman agad ng Comelec chief ang agam-agam sa halalan sa BARMM. Aniya, may nakahandang contingency measures ang Comelec at Philippine National Police (PNP).
“Dahil dito, gagamit tayo ng mga PNP personnel na pamalit sa mga dun sa mga ERBs na hindi makakapag-serve sa elections.”
Katunayan aniya, nasa 9,000 pulis ang isinailalim sa pagsasanay bilang specialized election officer sa ilang lugar na pasok sa kategorya ng “areas of concern.”