
APAT katao ang kumpirmadong binawian ng buhay matapos magsalpukan ang bus at pampasaherong bus at sports utility vehicle (SUV) sa kahabaan ng Majayjay-Lucban Road sa Majayjay, Laguna kahapon.
Sa ulat ng Majayjay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, pawang pasahero ng pampasaherong bus ang namatay sa nasabing insidente.
Bukod sa mga nasawi, nasa 30 iba pang pasahero ang di umano’y malubhang nasugatan matapos maipit sa loob ng sinasakyang bus.
Kwento ng mga saksi, binabaybay ng bus na mula sa Lucban, Quezon ang direksyon patungo sa Cavite Quezon nang mangyari ang aksidente.