HINDI pa man makagulapay sa dagok na iniwan ng magkakasunod na pagyanig ng lupa, muling ginulantang ng masamang balita ang Davao Region kung saan pito ang patay bunsod ng pagguho ng lupa landslide sa isang isang bahagi ng minahan sa Monkayo, Davao de Oro.
Bukod sa pumanaw, 10 ang patuloy na hinahanap ng iba’t ibang grupo ng search and rescue teams sa gabundok na tipak ng bato at lupang gumulong sa mababang bahagi ng Barangay Mount Diwata.
Dalawa naman ang kumpirmadong sugatan sa insidente sa Purok 20, Pag-asa, Barangay Mt. Diwata.
Ayon kay Jergrace Cabag, information officer ng Monkayo, inihinto muna ang search and rescue operations dahil sa posibilidad ng panibagong landslide lalo pa aniya’t patuloy na dumaranas ng pag-ulan ang Davao region simula Lunes dahil sa shear line.
