
CALATAGAN, Batangas — Kayod-marino sa search and rescue operation ang Philippine Coast Guard matapos aksidenteng malaglag sa karagatang sakop ng lalawigan ng Batangas ang isang kadete.
Sa ulat ng Bantay Dagat sa punong himpilan ng PCG, lulan ng barkong MV Aleson Con Carrier 14 ang biktimang kinilalang si Engine Cadete Marnel Vincent Balaba, 22-anyos at tubong Misamis Oriental nang di namalayang nalaglag sa naturang sasakyang dagat.
Salaysay ng PCG Sub Station sa Calatagan, galing ng Zamboanga City patungo sa Maynila ang barkong sinasakyan ng biktima nang mangyari ang insidenteng hudyat para sa agad na pagrespondo ng bamtay-dagat.
Tumulong na din sa paghahanap ang Coast Guard Aviation Force na nagsagawa ng aerial search sa nawawalang kadete.
Abiso ng PCG sa mga residente ng mga karatig barangay, agad ipagbigay alam sakaling mamataan at matagpuan ang biktima.