NAGPAHAYAG ng pagkadismaya ang isang lider manggagawa sa ipinalabas na wage order ng Departmeng of Labor ang Employment (DOLE) para sa mga obrero sa Calabarzon at Central Visayas region.
Para kay Federation of Free Workers (FFW) National President Attorney Sonny Matula, hindi sapat ang P21 hanggang P75 na dagdag sweldo.
Paglilinaw ni Matula, hindi tutol ang FFW sa dagdag-sahod pero dapat aniyang makatwira para bahagyang maibsan ang dusa ng mga maralitang sektor sa nabanggit na rehiyon.
Sa lumabas na wage order, hindi aniya sapat sa pang-araw-araw na gastusin at pangangailangan.
“Kulang na kulang pa talaga sa pangangailangan nila sa pang-araw-araw na pangangailangan,” himutok ni Matula.
“Kaya ‘yung mga trade unions at mga kasapi nito ay tuluy-tuloy na sinusulong yung panukalang batas na nationwide 150 pesos wage increase na sa palagay namin ngayon ay parang natulog yata sa House of Representatives kaya kinakailangang gisingin si House Speaker Martin Romualdez at ‘yung ating Committee on Labor para simulan na at ipasa na itong ating wage proposal na 150 pesos,” aniya pa.
Dahil umano sa mababang antas ng sahod sa mga lalawigan kaya nagsisiksikan ang mga too sa Metro Manila kung saan hindi hamak na mas makatao ang antas ng sweldo.
Nanindigan din ang labor leader na dapat nang ilapit ang antas ng sahod sa mga probinsya lalo pa’t parehas lang naman ang presyo ng mga bilihin sa Metro Manila.
rin siya na kakayanin ang nasabing wage hike dahil kinaya naman ito kahit pa sa ilang malalayong lugar.
“Palagay ko naman ay kayang kaya kasi may mga regional wage po tayo na nagbibigay na ng seventy-five pero tingi-tingian na lang, hinati hati kaya ngayong end ng Septembe ang effectivity at Abril pa next year,” pagtatapos ni Matula sa hirit na P150 arawang umento.
