MATAPOS ang halis isang taong pagtatago, laglag sa mga kabaro ang Police Major na pinaniniwalaang dumukot at pumaslang sa karelasyong beauty queen sa lalawigan ng Batangas.
Sa ulat ng pulisya, arestado si dating Police Major Allan de Castro kasama ang tsuper na si Jeffrey Magpantay sa ikinasang operasyon sa Barangay Caloocan, sa bayan ng Balayan sa nabanggit na lalawigan.
Batay sa salaysay ng mga kaibigan ng biktimang si Catherine Camilon, selis ang posibleng motibo ni de Castro sa pagkawala ng beauty queen matapos kumalas sa relasyon sa pamilyadong pulis.
kaugnay ng pagkawala ng beauty pageant contestant na si Catherine Camilon sa Balayan, Batangas.
Kapwa nahaharap sina de Castro at Magpantay sa kasong kidnapping at serious illegal detention sa pagkawala ng beauty queen noong nakalipas na taon.
