HINDI na nagawang isugod sa pagamutan ang isang opisyal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) matapos tambangan ng hindi pa nakikilalang salarin sa Panabo City sa lalawigan ng Davao del Norte.
Kinilala ang biktimang si Karen Diana Candilosas, 42-anyos, assistant director ng BFAR National Mariculture Center na nakabase sa Panabo City.
Sa imbestigasyon ng lokal na pulisya, nakasakay ang biktima sa nakaparadang pick-up sa harap ng isang fishing company nang lapitan at malapitang barilin sa ulo ng hindi pa natutukoy na suspek.
Ayon sa mga saksi, walang getaway car ang hitman na di umano’y naglakad lang palayo sa lugar na pinangyarihan ng krimen.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa motibo at pagkakakilanlan ng gunman.
