APAT na pasahero ang sawimpalad matapos dumausdos sa bangin ang isang pampasaherong bus sa Barangay Magais Uno, sa bayan ng Gallego, Camarines Sur.
Sa ulat ng lokal na pulisya, sugatan din ang hindi bababa sa 24 na iba pang sakay ng bus na saglit pang huminto sa bahagi ng Tabogon, Daet para sipatin ang diperensya ng sasakyan.
Gayunpaman, nagpasya umano ang driver ng pampasahero bus na ituloy ang byahe hanggang sa magpagewang-gewang — at tuluyang mahulog sa bangin ang minamanehong sasakyan.
Samantala, tiniyak ng lokal na pulisya ang masusing imbestigasyon para alamin ang tunay na dahilan ng aksidente. (EDWIN MORENO)
