HINDI na umabot pang buhay sa pagamutan ang dalawang indibidwal na biktima ng isang malakas na pagsabog sa Dagupan City sa lalawigan ng Pangasinan.
Batay sa impormasyong ibinahagi ng lokal na pamahalaan, naganap ang insidente sa mismong araw ng Pasko sa Sitio Boquig, Barangay Bacayao Norte, Dagupan City. Bukod sa dalawang hindi pinangalanang nasawi, dalawang iba pa umano ang nasugatan.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa hangaring matukoy ang sanhi ng pagsabog. (EDWIN MORENO)
