NAGBUNGA ang patityaga ng isang grupong naghukay ng tunnel papunta sa ilalim ng isang shopping mall sa San Carlos, Negros Occidental kung saan nilimas ang hindi bababa sa P1.3-milyong cash, samu’t saring gadgets at alahas.
Sa laki ng natangay, agad na naglabas ng P100,000 gantimpala si San Carlos City Mayor Renato Gustilo para sa impormasyon ikadarakip ng hindi natutukoy na grupo.
Batay sa imbestigasyon ng lokal na pulisya, Lunes ng gabi nang dumaan sa hinukay na tunnel na idinugtong sa drainage system ng mall ang mga hindi pa nakikilalang salarin.
Sa pagbubukas ng mall kinabukasan, natuklasan ang nangyaring nakawan.
Bagamat may mga “persons of interest” na ang pulisya, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa harangaring madakip ang mga suspek na pinaniniwalaang bahagi ng isang mas malaking grupo.
