
ARESTADO sa mga kabaro ang isang aktibong sarhento ng Philippine National Police (PNP) matapos ireklamo ng pamilya ng babaeng umano’y nilango muna sa droga bago ginahasa sa isang private farm sa lalawigan ng Batangas.
Kinilala ni Brig. Gen. Jean Fajardo na tumatayong tagapagsalita ng pambansang pulisya ang suspek na si Police Senior Master Sergeant Timothy Virtucio.
Ayon kay Fajardo, inalisan ng ng tsapa at dinisarmahan na rin ang suspek na nasa ilalim na ng restrictive custody ng Calabarzon regional police.
Samantala, inoobsebahan pa rin ng mga dalubhasang doktor ang kalagayan ng biktimang nasa intensive care unit (ICU) ng hindi tinukoy na pagamutan.
Bukod kay Virtucio, sabit din umano ang isang alyas Anthony na target ng PNP sa kinasang manhunt operation.
Naganap ang insidente sa isang Christmas party sa Lipa City noong Disyembre ng nakalipas na taon. Ayon sa nakalap na impormasyon ng pulisya, pinainom umano ng juice na may halong droga ang biktima at pagkatapos ay dinala sa farm sa nasabing lungsod kung saan isinakaturan ang kahalayan. (EDWIN MORENO)