MATAPOS ang 40-araw na pananatili sa loob ng piitan, pinalaya ng korte ang isang film director at tatlo pakaugnay ng bintang na pagsunog ng modern jeepney sa Barangay Dahican, Catanauan, Quezon.
Sa utos ni Judge Julius Francis Chavez ng Catanauan Regional Trial Court Branch 26, pinakawalan sina Direk Jade Castro at tatlong iba pang idinawit sa kasong arson.
Si Castro at tatlong iba pa ay sinasabing kabilang di umano sa mga armadong kalalakihan na nanunog ng modern jeep sa nasabing lokalidad Enero 16 ng kasalukuyang taon.
Saad sa isang bahagi ng kalatas ng husgado, inilarawan ni Judge Chavez na “unjustified” ang ginawang pagdakip ng pulisya.
Kwento ng mga saksi, nasa Micasa Resort sa Barangay Butanyod sa bayan ng Mulanay sina Castro nang dumating ang mga pulis para arestuhin ang film director.
