Ni EDWIN MORENO
KASONG estafa ang kinakaharap ng isang negosyante matapos magpanggap na abogado sa pangingikil sa mga preso.
Kinilala ang 25-anyos na suspek sa pangalang Katriona Elisse Gold Aguirre, alyas Katriona Balanza ng Katarungan Village sa lungsod ng Muntinlupa.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nagpakilalang abogado si Balanza sa tatlong presong pinangakuan ng kalayaan kapalit ng malaking halaga.
Nang makuha ang pera, bumalik ang pekeng abogado bitbit ang pekeng release order. Gayunpaman, hindi nakawala ang tatlong preso matapos malamang peke ang mga release order.
Dito na nagpatulong ang tatlong nadenggoy na preso sa paghahain ng reklamo hanggang sa naglabas ng mandamiento de arresto ang husgado.
Nang matunton ang suspek sa BArangay Kalubkob, Silang Cavite, agad na dinakip si Aguirre
