BINULABOG ng isang malakas na pagsabog kahapon ng isang granada ang mga residente ng isang barangay sa bayan ng Shariff Aguak sa lalawigan ng Maguindanao del Sur.
Ang target — si Kapitan Norodin Ampatuan ng Barangay Labu-Labu Mother.
Sa ulat ng lokal na pulisya, sakay ng motorsiklo ang hindi pa nakikilalang suspek sa di umano’y tangkang pagpatay kay Kapitan Ampatuan.
Kwento ng mga saksi, mabilis na binabaybay ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo ang kahabaan ng kalye kung saan matatagpuan ang bahay ni Ampatuan. Pagtapat sa mismong harapan ng tahanan ni Kapitan, agad na hinagisan ng granada ang bahay ng target.
Mabilis na tumakas palayo ang mga suspek.
Maliban sa nakaparadang sasakyan, wala naman naiulat na nasaktan sa insidente.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng lokal na pulisya sa hangaring matukoy ang motibo ang pagkakakilanlan ng mga suspek.
