MASARAP ang tahong na huli sa ating mga karagatan, pero ibayong ingat ang paabot sa publiko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources matapos magpositibo sa nakakalasong red tide ang walong lugar sa iba’t ibang panig ng bansa.
Sa isang abiso, partikular na tinukoy ng BFAR ang mga tahong na huli ng mga mangingisda sa Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur, Daram Island, Zumarraga Island, Irong-Irong Bay, Carigara Bay sa Leyte, Tungawan sa Zamboanga Sibugay, Biliran Island sa Biliran at Lianga Bay sa Surigao del Sur.
Para tiyakin ang kaligtasan ng publiko, nagpatupad ng shellfish ban ang BFAR sa mga naturang lugar kung saan anila nakita ang paralytic shellfish poison.
“All types of shellfish and Acetes sp. or alamang gathered from these areas are NOT SAFE for human consumption.” ayon sa ahensya.
Gayunpaman, nilinaw ng BFAR na hindi lahat ng laman dagat ay apektado ng red tide.
“Fish, squids, shrimps and crabs are safe for human consumption provided that they are fresh and washed thoroughly and internal organs, such as gills and intestines, are removed before cooking.”
