BAHAGYANG tumaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa Calabarzon, batay sa pinakahuling ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa kanilang September 2023 Inflation report, nakapagtala ang rehiyon ng pangkabuuang inflation rate na 6 porsyento mula sa 5.5 porsyento noong Agosto.
Tumaas din ang inflation rate sa mga lalawigan ng Cavite, Batangas, Rizal, at Quezon maging sa Lucena City, habang bumaba naman ang presyo ng mga bilihin sa lalawigan ng Laguna.
Dagdag pa ng PSA, kabilang sa mga panguhaning dahilan ng inflation sa rehiyon ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng pagkain at non-alcoholic beverages, utilities tulad ng housing, tubig, kuryente, gas at iba pang produktong petrolyo, at restaurant maging ang iba pang accommodation services.