GARANTISADONG mabibigyan at mapapanatili ang karapatan ng bawat mamamayan sa pagboto sa lahat ng halalan dulot ng paglikha ng Kutawato province sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sa pambungad na pahayag sa pagtalakay ng panukala sa Senate committee on Local government, sinabi ni Senador Joseph Victor Ejercito na makakalahok ang mga rehistradong botante sa BARMM sa 2025 elections, partikular sa Special Geographic Area (SGA) ng naturang rehiyon.
Ani Ejercito, layunin sa pagpasa ng Bangsamoro Organic Law noong 17th Congress, Ejercito na palaganapin ang pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.
“The law allowed residents in the identified territories to vote on their inclusion in BARMM,” wika ng mambabatas.
Base sa resulta, 63 komunidad sa Cotabato province ang naging bahagi ng BARMM sa ilalim ng SGA sa paglikha ng walong bagong munisipalidad.
Pero, nagkakaroon ng kakaibang hamon ang paglikha ng bagong bayan dahil hindi sila sumasailalim sa anumang lalawigan ng BARMM kaya nagkaroon ng komplikasyon sa pamamahala at “electoral participation.”
“Recently, we held a hearing to discuss the proposed postponement or resetting of elections in BARMM. One of the issues raised was the disenfranchisement of at least 60 barangays due to their undefined provincial affiliation,” dugtong ni Ejercito.
Bilang patunay, nagpahayag ng suporta si Ejercito Senate Bill 2875 na aniya’y solusyon sa gusot sa pagdaraos ng halalan.
Kabilang sa mga lokalidad na magiging bahagi ng Kutawato province ang 63 barangay mula sa munisipalidad ng Pahamuddin (na magsisilbing kabisera), Kadayangan, Nabalawag, Old Kaabakan, Kapalawan, Malidegao, Tugunan at Ligawasan.
“May this legislation serve as an instrument to grant voting rights to our fellow citizens in the Special Geographic Areas,” aniya. (Estong Reyes)