
WALANG puwang sa mga tanggapan sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr) ang mga suberbiyo, ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon matapos sibakin sa pwesto ang isang mataas na opisyal ng Land Transportation Office (LTO).
Ang sinampolan ni Dizon — si Edilberto Bungaeon na tumatayong hepe ng LTO Vehicle Registration Office sa lungsod ng Baguio.
Ayon kay Dizon, siya mismo ang nakatanggap ng ulat mula kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong. Sa sumbong ni Magalong, nahuli ng mga traffic enforcers ng lokal na pamahalaan ang LTO official habang nagmamaneho ng lasing.
“Sabi ng Pangulo, paulit-ulit niyang sinasabi, na ang mga taong nagtatrabaho sa gobyerno ay dapat nagseserbisyo sa ating mga kababayan at hindi naghahari-harian at sumusunod sa batas,” wika ng Kalihim.
“Kung ikaw ay nagtatrabaho sa Land Transportation Office, ang unang-una mo dapat gagawin is sumunod sa batas ng kalye. Yung pagmamaneho nang lasing, hindi lang yan simpleng violation, iyan ay napakadelikadong violation dahil kung ikaw ay lasing, madali kang madisgrasya, madali kang makadisgrasya. So, unacceptable ito,” dagdag ng DOTr chief.