HINDI pa man pormal na nagsisimula ang termino ng mga waging kandidato ng 2025 midterm election, ibinalandra agad ni Senador Robin Padilla ang aniya’y napipintong tambalan nina Vice President Sara Duterte at Senador Imee Marcos pagsapit ng 2028 presidential election.
Sa isang pagtitipon ng mga Pinoy na nakabase sa Malaysia, nagpahayag ng kahandaan si Padilla tumayong campaign manager ng bise-presidenteng anak ng dating pangulo at senador na kapatid ng kasalukuyang lider ng bansa.
Ginawa ni Padilla ang pahayag kasabay ng pagdiriwang ng Pinoy community ika-127 Araw ng Kalayaan sa Malaysia.
“Si Robin Padilla, hindi politiko. Sa 2028, campaign manager ako ni Inday Sara Duterte at ni Imee Marcos,”wika ni Padilla.
Gayunpaman, lubhang ikanagulat ni Vice President Sara ang paandar ng senador — “Hindi ko alam kung anong nasa isip ni Senator Robin Padilla,” maikling pahayagni Duterte.
