HINDI pa man nakakalayo mula sa pinanggalingan, nagka aberya hanggang sa tuluyang bumagsak ang isang military trainer aircraft na pag-aari ng Philippine Air Force (PAF) sa Lipa City, Batangas.
Sa pahayag ng PAF, kinumpirma ang aksidenteng kinasasangkutan ng SF260FH Marchetti plane na galing sa Basilio Fernando Air Base na nakabase sa naturang lungsod sa lalawigan ng Batangas.
Mapalad naman nakalusot sa nakaambang kamatayan ang dalawang pilotong nagawa pang imaneobra ang minamanehong eroplano sa isang bakanteng lote sa hangaring wala madamay na residente.
“Despite the low altitude, the pilots were able to maneuver the aircraft to an open area within the air base’s perimeter causing no harm and damage to nearby communities,” saad ng opisyal na pahayag ng PAF.
Kapwa ligtas ang dalawang sakay ng bumagsak na eroplano.
“The aircraft is currently being recovered and assessed. Consequently, extensive investigation of the incident has been started to determine its cause,” pagtatapos ng PAF.