
POSIBLE umanong personal na alitan ang dahilan ng pagpaslang kay radio broadcaster Juan Jumalon, alias DJ Johnny Walker.
Sinabi ni Jerrebel Jumalon na hindi umano siya kumbinsido na may kaugnayan sa kanyang trabaho ang pagpaslang sa kanyang mister.
“Kasi it’s only entertainment ang kaniyang mga program sa radio. Hindi siya commentator. It’s a plain broadcaster lang. Iyong magbasa lang siya ng greetings, mga public service,” sabi ni Jerrebel.
Sinabi ng biyuda ni Jumalon na posibleng alitan sa lupa na nasa korte na ang dahilan ng pagpatay.
Matapos ang pamamaril, sinabi ni Jerrebel na nakarinig siya ng mga putok at nakita pa umano niya ang mga suspect palabas ng kanilang gate sa Calamba, Misamis Oriental.
“After that, iyong gunman lumabas din sa gate kaya hinabol ko. Nakita ko ang gunman, dalawa. Sumakay sa motor na mayroong driver naman na nag-wait sa kanila. Sumigaw ako na, ‘Pulis, pulis, tabang, help!’,” sabi ni Jerrebel.
“Iyon tumingin sila sa akin. Mukhang nakabahan sila. Iyong driver natumba silang tatlo,” dagdag pa nito.
Hiniling naman ng Human Rights Watch (HRW) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr na ibigay ang hustisya sa biktima gayundin sa mga napatay na journalists.
“President Marcos, who quickly and commendably denounced the killing of Jumalon, should ensure that his murder, as well as the continuing attacks against journalists, are investigated thoroughly and impartially, and the perpetrators brought to justice,” sabi ni Carlos Conde, HRW senior researcher sa kalatas.
“As Marcos looks to garner support both at home and abroad, he should take this opportunity to demonstrate that his government is serious about press freedom, civil liberties, and human rights in the Philippines,” dagdag pa nito.
Naglaan naman ng P100,000 pabuya sa anumang impormasyon na maibibigay sa ikadarakip ng mga suspect.