WALA nang buhay nang matagpuan ang 31-anyos na babae at dalawang anak sa loob ng isang sasakyan sa bayan ng San Rafael sa lalawigan ng Bulacan.

Sa ulat ng lokal na pulisya, nadiskubre ng tatlong indibidwal na sakay ng isang nakaparang SUV sa Barangay Talacsan dakong alas 2:00 ng hapon ng Agosto 20.

Hindi naman pinangalanan ng pulisya ang 31-anyos na ina at dalawang anak — isang siyam na taong gulang at isang 4-anyos.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para sa matukoy ang sanhi ng pagpanaw ng mag-iina. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *